QUEZON CITY – Nagpakitang gilas ang mga miyembro at kawani ng Bataan School of Fisheries Faculty and Staff Multi-Purpose Cooperative (BSF F&S MPC) nang sila ay maging live audience ng isa sa mga hinahangaang noontime shows sa bansa, ang Eat Bulaga (EB), Okt. 27, dito.
Naging usap-usapan ang aktibong pakikilahok ng mga miyembro nang sila ay paulit-ulit na daanan ng mga cameras sa nasabing show. Umani ng papuri ang makisig na pagkakasagot ni Gng. Rafaela Nacorda sa “Itaktak Mo” portion ng EB. Gayundin naman ay pinalakpakan ang buong kumpiyansang pagkakabaybay ni Gng. Lolet Lorenzo sa salitang professor nang biglang tanungin ni Jimmy Santos sa “Sa Pula, Sa Puti” segment dahil hindi nakuhang sagutin ito ng tama ng isa sa mga contestants.
Minsan sa taong 2008 ay naipamalas ng mga taga Orion o mas tamang sabihin na ng mga Bataeños na basta gáling Bataan, ito ay galinģ Bataan.
Samantala, inaasahang masusundan pa mga ganitong klase ng aktibidades na nakapagbibigay saya lalo na sa mga miyembro at kawaning isang taong nagtrabaho at nagtulung-tulong para sa pag-unlad ng kooperatiba.