“...And if you cannot work with love but only with distaste, it is better that you should leave your work and sit at the gate of the temple and take alms of those who work with joy...” - Kahlil Gibran
Ang pagkilos ng may pag-ibig ayon kay Gibran ay ang paghbai ng isang piraso ng tela gamit ang sinulid ng ating puso. It ay ang pagtatayo ng bahay nang may pagmamahal na para bang ang ating mga minamahal ang kakain ng bunga nito. Ito ay ang paglalagay ng ating sariling hininga sa mga bagay na pinaka-ninanais nating gawin.
Siya na gumagawa ng marmol at nakikita ang hugis ng kaniyang sariling anyo sa mga bato ay dakila. Ngunit siya na nagmamasa ng harina nang may malamig na loob ay gumagawa lamang ng mapait na tinapay na hindi man lang sasapat upang punan ang kumakalam na tiyan. At kung sa kanyang pagkatas ng ubas, siya ay puno ng hinanakit, ang hinanakit na iyon ang magsisilbing lason lamang sa alak.
Ganito kahalaga ang gumawa nang may pag-ibig. Sapagkat ang isang trabaho, akda o Gawain ay pag-ibig na ginawang lantad sa paningin. Umawit man tayo kasama ang mga anghel, subalit hindi naman minahal ang mismong pag-awit, hungkag na ingay at hindi musika ang mga tinig na ating inuusal.
Sa ating kooperatiba, bawat isa ay may nakatang na gawain. Ang iba sa atin ay ulo. Ang iba naman ay kamay, paa, bibig o tenga. Gayunpaman, tayo ay pinagdudugtong ng iisang puso at katawan. At sa ating paggawa bilang bahagi ng katawang ito, tayo ay kumilos nang may pag-ibig. Ito ang nag-iisang sangkap na magpapatamis sa ating bigkisan...magpapalakas sa ating pisikal na katawan at isipan...muling magbibigay ng apoy sa atas ng ating tungkulin...at magpapasamyo sa ating paglilingkod.