Sa paksang “Pakiki-isa: Susi ng Pagsulong at Pag-unlad ng Kooperatiba,” ginanap ang ikalabing-isang (11th) General Annual Assembly Meeting and Annual Report sa BSF Covered Court noong Disyembre 28, 2007.
Ang pagpupulong ay nahahati sa limang bahagi. Ang unang bahagi ay ang paghahalal ng mga officers ng kooperatiba na ginampanan ng mga regular na miyembro. Ito ay ginanap mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Ang mga nanalo ay nakapanumpa na rin sa ikalawang bahagi ng pagtitipon.
Naging abala ang lahat ng mga opisyales sa nasabing pagtitipon sapagkat ang buong araw ay ginugol sa iba’t-ibang gawain.
Samantala, nagbahagi din ng pananalita ang pangulo ng kooperatiba na si Gng. Cristina Chua na sinundan naman ng pagkilala sa mga kasaping nagsidalo sa pamamagitan ni Gng. Laureana Raymundo na isa sa mga Board of Directors. Nagbigay din ng Mensahe si G. Gerardo Batalla, ang pamunuan ng paaralan at tagapayo sa kooperatiba. Pinangunahan din niya ang pagtatalaga sa mga bagong halal na mga mamumuno. Samantala, ang paguulat pang-pinansyal ay ibinigay ni Gng. Angelita Quezon, ang accountant ng koopearatiba na sinundan naman ng pang-huling pananalita ni Gng. Magdalena Batalla, ang pangalawang pangulo ng kooperatiba.
Pagkayari ng palatuntunan ay nagkaroon naman ng pag-uulat ang bawat komite, ang chairperson at ang general manager. Sa bahaging ito, inanyayahang makibahagi ang lahat ng miyembro sa pamamagitan ng Open-Forum.
Sa huli ay nagkaroon ng Bingo Social sa pangunguna ng Election Committee at nang matapos ay nagbigayan na ng dibidendo at patronage refund para sa mga kasapi.
Ang pagtitipon ay nilahukan ng 56 na regular members at 227 associate members.
0 komento:
Post a Comment